Pages

Sunday, April 10, 2011

Kalimutan ang Badtrip

Lahat nang tao'y may kanya-kanyang pinagdaanan
depende na lang sa maabot ng iyong isip upang maunawaan
depende rin kung gaano kahirap sa isip mo ay tanggapin

Hindi natin kasalanan kung tayo ay masaktan
Hindi rin ito utang na loob upang mapagbayaran
Hindi mo rin kailangan na ikaw ay magtampo
Dahil hindi rin naman nila gagawin, hindi sila apektado

Ano pa ang silbi nang salitang pagmamahal
kung walang namang maghahanap nang salitang ito?
At kung ikaw ay mabuting tayo sa paniniwala mo
walang makapagpapayapa sa iyo kundi magpatawad at magparaya

Kalimutan mo na at huwag nang balikan
masasamang alaala nang nakaraan na nagdulot ng hinanakit na walang pakinabang
sabi nga nila'y alamin ang pag aralan mo
mga bagay na tama sa pagkatapos ng unos
Ngunit sa paglalakbay mo, huwag nang dalhin mga bagay na magpapahirap lamang sa iyo

Blangko

Kaytagal kitang hindi pinansin
pira-pirasong alaala na lang ang nagdurugtong sa atin
patawad bumabalik lamang ako sa iyo sa panahong ako'y nagiisa at kailangan kita
Talaga bang nagtampo ka? Talaga bang wala na?

Ako'y isang bata na marami pang hiling at pangarap
Umaasang makasama ka muli ngayon at sa hinaharap
Pagkat nung isang linggo'y nalungkot ako nang makita ang aking kakulangan
Mga bagay at yamang aking hindi napagtuunan
Maaaring sa ibang bagay ako'y naging magaling
Ngunit ang matagal ng hinahanap nang puso'y taimtim na nanahimik

Bakit? bakit? tanong ng kaluluwa ko
Lahat ng baga'y pati ako ay kailangang magbago?
Kahapon ay walang imik nang isinima ka
Sa mundo kong walang lunggkot at walang ligaya
Ngunit ang aking mga paa'y hindi matahimik sinisigaw ibang lugar na kinararapatan mo

Kaninang hapon nang maidlip ako
Wari'y natauhan nang ipakita mo
Ang mundo nang mga busilak at manining na puso ng mga makata
At dito pa'y ipinakilala mo ang mababaw at malalim ay walang pinagkaiba
Damdamin ng bawat makatang iisa ang isinisilakbo

Kailanmay hindi ako magaling
Hindi kahapon at hindi magiging
Ngayong gabi nais ko lamang na muling namnamin
Ang mga oras na parang ikay muling akin

Ngayong gabi'y mananaginip ako
Aking hiling ay muling dalhin mo
Sa mundo at panahong tayo'y masaya at puno ng pagkamalikha't imahinasyon
Dalhin mo ako puso'y sumasamo
Dalhin mo at ako'y nasasabik
Dalhin mo habang ako'y nananaginip
Nananaginip na ako din ay makita mo.......